Midnight appointees ni GMA salot daw

MANILA, Philippines – Kahit sino pa ang maging susunod na Presidente, magiging salot umano ang mga itatalagang opisyal ni Presidente Arroyo bago siya bumaba sa tungkulin.Ito ang pahayag ni Nacionalista Party senatorial candidate Atty. Adel Tamano.

Tinuligsa rin niya ang paulit-ulit na pag-atake kay NP presidential bet Manny Villar na pilit iniuugnay kay Presidente Arroyo bilang “secret bet” nito.

Ani Tamano, dapat ding tingnan ni LP presidential bet Benigno Aquino III ang mga kaanak nitong humahawak ng mataas na posisyon ngayon sa administrasyong Arroyo bago gumawa ng ganoong akusasyon.

Show comments