MANILA, Philippines - Sinuspinde na ng Simbahang Katoliko ang mga pari na kalahok sa halalan sa Mayo 10.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) spokesman at media director Monsignor Pedro Quitorio, kaagad na sinuspinde ng simbahan ang mga pari na lumahok sa eleksiyon dahil mahigpit aniyang ipinagbabawal sa Cannon Law ang pagtakbo sa pulitika ng isang pari. Ipinaliwanag nito na ang mga pari ay isang sakramento ng pagkakaisa kaya’t kung tatakbo sila sa pulitika ay mistula umanong hinahati ng mga ito ang taumbayan, na hindi aniya maaaring pahintulutan ng simbahan.
Nilinaw naman nito na kung kakailanganin, para sa kapakanan ng nakakarami at ng pananampalataya ay handa silang manindigan at makialam lalo na’t kung laganap ang kasamaan ng kandidato. (Mer Layson)