FG inatake sa puso!

MANILA, Philippines - Isinugod kahapon ng umaga sa ospital si First Gentleman Mike Arroyo matapos makaramdam ng matinding pananakit ng likod at hirap na paghinga na may kaugnayan sa sakit niya sa puso.

Dinala sa St. Lukes Medical Center sa Global City sa Taguig City ang Unang Ginoo bandang alas-8:00 ng umaga at ayon kay Dr. Rommel Carino, cardiologist ni FG, nakaranas ang Unang Ginoo ng re-dissection ng thoracic aorta at kaila­ngang dumaan sa matin­ding gamutan at moni­toring sa kanyang blood pressure at heart rate.

Papunta na sana si Pangulong Arroyo sa Pro­secutor’s League of the Philippines sa Manila Hotel subalit bumalik ito ng Palasyo kaya nakansela maging ang ibang aktibi­dad ng Pangulo upang mabantayan ni Mrs. Arroyo ang asawa.

Si FG ay una nang su­mailalim sa triple bypass operation at open-heart surgery noong 2007 dahil sa dissecting aortic aneu­rsym.

“The condition calls for intense care to control the blood pressure and heart rate to prevent further re-dissection. A rupture can cause compression of the blood supply to various vital organs. He is under continous monitoring in the coronary care unit of St. Luke’s Global City. Right now, we are controlling the vital signs and back pains,” wika ni Dr. Carino.

Noong 2006 unang sumailalim ito sa angio­plasty procedure kung saan tinanggal ang bara sa kanyang puso

Samantala, 2007 nang i-emergency ito sa Maynila mula sa Baguio matapos makaramdam ng panana­kit ng tiyan dahil mayroon na pala siyang punit sa isang blood vessel sa puso kaya suma­ilalim siya sa open heart surgery.

November 2008 na­man ng mag-emergency landing sa Japan papun­tang Peru ang sinasak­yang eroplano ni FG sa muling pagsama ng kan­yang pakiramdam.

Kahapon ang ika-apat na pagsumpong ng kan­yang sakit.

Sa pinakahuling medical bulletin, stable na pero patuloy na binabantayan ang kalagayan ni FG.

Show comments