Pacquiao gustong muling tumapak sa Manila City Hall

MANILA, Philippines - Inaasahan ni pound for pound king Manny “Pac­man” Pacquiao na sa su­sunod na courtesy call nito sa kanyang itinuturing na pangalawang ama na nagbabalik na Alkalde ng Maynila na si Mayor Lito Atienza Jr. ay sa City Hall na siya pupunta.

Ito ang inihayag ni Pacquiao ng mag-courtesy call ito sa bahay ni Atienza sa San Andres Bukid, Maynila matapos na sa­mahan ng undefeated three term Mayor ang una sa isang thanks giving mass sa Quiapo church nang dumating ito sa bansa kamakalawa ng umaga matapos ang mata­gumpay niyang laban kay Joshua Clottey.

“Noong Mayor pa siya (Atienza) sa City Hall ako nagpupunta, noong DENR Secretary siya sa DENR ako nagpunta, ngayong nag-resign na siya sa DENR, dito ako sa bahay niya pupunta at inaasahan ko na sana sa susunod, sa City Hall ko na ulit siya pupuntahan,” ito ang bini­tawang salita ni Pacquiao sa mga supporters ni Atienza na nagtipon-tipon sa harap ng bahay nito upang masilayan ang pound for pound king.

Nilinaw pa ni Pacquiao na itinuturing na niyang pa­ngalawang ama si Atienza na sa simula pa lamang ng kanyang boxing career ay nagbigay na sa kanya ng suporta noong hindi pa siya sikat kayat malaki ang respeto nito at paniniwala niya sa Alkalde.

Show comments