MANILA, Philippines - May health insurance na ngayon ang mga magsasaka mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) bilang karagdagang benepisyo sa mga agrarian reform beneficiaries (ArBs) sa buong bansa.
Sinabi ni DAR Secretary Nasser Pangandaman na ang DAR-Agraryong Pangkalusugan ay mag-eengganyo din sa mga field implementers at community-based organizations na magpatupad ng health programs upang makatikim ng programang pangkalusugan ng pamahalaan ang mga magsasaka at kanilang pamilya hindi lamang mga ARBs.
Minabuti ng DAR na mapangalagaan at maprotektahan ang kalusugan ng mga magsasaka dahil halos sa mga magsasaka sa bansa ay kulang ang natatanggap na serbisyong pangkalusugan dahil sa kakulangan ng pondo ng mga lokal na pamahalaan at ibang socio-economic factors.
Katulong ng DAR-AP ang DOH at Philhealth sa pagpapatupad ng programang ito. (Angie dela Cruz)