Baradong kanal, waterways linisin - Gibo

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teo­doro Jr. sa national at local government na saman­talahin ang tag­tuyot upang agarang linisin at alisin ang mga baradong waterways sa bansa.

Sinabi ni Teodoro na habang tagtuyot, saman­talahin ng gobyerno ang paglilinis ng mga baradong kanal at waterways upang maiwasan naman ang panibagong pagbaha tulad ng naganap noong bag­yong Ondoy at Pepeng.

Hinikayat din ni Teo­doro ang local at national go­vernment na maging prayo­ridad na kuning tra­bahador ang mga naging bik­tima ng Ondoy at Pepeng gayundin ang mga pamilyang lub­hang na­apektuhan ng El Nino sa gagawing flood control projects sa paglilinis ng mga baradong kanal at waterways.

Hiniling din ni Teodoro na magsagawa ng mga emergency drills sa kani­lang mga empleyado ga­yun­din sa mga paaralan bilang paghahanda sa mga major calamity tulad ng sunog at lindol. (Rudy Andal)

Show comments