MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga pari na umiwas sa pamumulitika, gayundin sa pag-e-endorso ng kandidato para sa May 10 automated elections.
Sa ipinalabas na circular ni Tandag bishop at CBCP President Nereo Odchimar pinaalalahanan nito ang mga obispo at pari laban sa partisan preaching.
Nakasaad umano sa Cannon Law na ang mga pari ay mahigpit na pinagbabawalan na makisawsaw sa mga political party at political gimmick.
Ang nasabing circular ay inilabas ng kanyang kabunyian, kasunod ng pagpapahayag ng suporta ng anim na obispo sa isang tumatakbo sa pagkapangulo.
Bagama’t hindi sinasadya may ilang tao na iba ang interpretasyon sa kanilang sinasabi kung kaya’t mas makabubuting iwasan na lamang ito. (Doris Franche)