Bernabe di pa lusot

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Parañaque City Rep. Eduardo Zialcita na hindi pa niya inaabsuwelto sa mga alegasyon ng katiwalian si Mayor Florencio Bernabe dahil sa wala pa naman itong sinasagot sa kanyang mga katanungan ukol sa iba’t ibang maanomalyang kontrata ng adminis­trasyon nito.

Nagbabala rin si Zialcita sa mga residente ng Parañaque City sa mga ikinakalat na kopya ng umano’y memorandum buhat sa kanyang opisina na nagsasaad na nililinis niya ang pangalan ng alkalde. Sinabi ni Zialcita na wala siyang inilalabas na anu­mang memorandum ukol sa pag-absuwelto kay Bernabe sa mga katanungan sa hindi tamang paggamit ng pondo ng lungsod.

Ito’y makaraang ipakita umano ni Bernabe sa mga miyembro ng iba’t ibang Rotary Club sa lungsod ang umano’y sulat mula sa tanggapan ni Zialcita na binabawi nito ang mga paratang sa kanya. (Danilo Garcia)

Show comments