Welga naudlot

MANILA, Philippines - Hindi natuloy ang ipinanakot na welga ng isang grupo ng transportasyon makaraang sumang-ayon na ang mga alkalde sa Metro Manila na ang mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority na lamang ang maniniket sa kalakhang Maynila sa ilalim ng “Single Ticketing System.”     

Napapayag ng MMDA si Efren De Luna, pangulo ng Alliance of Concerned Transport Organization, na huwag ituloy ang plano nitong tigil-pasada kahapon makaraang aprubahan ng Metro Manila Council ang STS. (Danilo Garcia)

Show comments