MANILA, Philippines - Pinawi kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) ang pangamba ng publiko kaugnay sa magiging epekto ng pananalasa ng El Niño ngayon taon sa bansa.
Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Director Frisco Nilo, hepe ng weather bureau ng PAGASA, hindi kasing tindi ng naganap na “El Niño” noong 1997-1998 ang mararanasan ngayon sa bansa. Aniya, moderate-strong na tagtuyot ang mayroon tayo ngayon.
Bagama’t kinumpirma ni Nilo na mararanasan ang El Niño hanggang sa Hunyo ng taong 2010 may mga bahagi na sa bansa kabilang na ang Cagayan Valley, Isabela ang apektado ng pananalasa ng El Niño. (Doris Franche)