Kris at 3 kapatid mistah na ng PMA

MANILA, Philippines - Mga ‘mistah’ na ng Philippine Military Academy ang apat na babaeng kapatid ni Liberal Party presidential candidate at senator Benigno “Noynoy” Aquino III matapos silang i-adopt ng Mapitagan Class of 1980.

Ayon kay Mapitagan Class President at Philippine National Police Chief Superintendent VIctor Caragan, nagkaisa ang kanilang buong klase na kupkupin ang mga Aquino sisters na sina Ballsy, Pinly, Viel at Kris.

 Si Ballsy Aquino-Cruz na pinakamatanda sa apat ang unang sumailalim sa induction noong Pebrero 15 sa tanggapan ng Public Safety Mutual Benefit Fund sa Quezon City.

 Si Pinky Aquino-Abellada naman ay sumailalim sa induction  kamakalawa ng gabi sa  Baguio Country Club, samantalang sina  Viel Aquino-Dee at  Kris Aquino-Yap ay magiging opisyal ng  mistahs  Mapitagan Class pagkatapos ng ika-24th anniversary ng People Power revolution ngayong buwan. (Malou Escudero)

Show comments