MANILA, Philippines - Plano ng Commission on Elections na palitan ang chemical composition ng indelible ink na ginagamit sa halalan para maiwasan ang mga flying voter.
Bunsod na rin ito ng reklamong madaling burahin ang indelible ink na inilalagay sa daliri ng isang botante sa mga nakaraang halalan.
Sinabi ni Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer na pinag-aaralan na ng technical team ng Comelec kung anong composition ng indelible ink ang posibleng palitan.
Kapag naging pinal na aniya ang specification ng indelible ink, kaagad namang magpapatawag ang Comelec ng public bidding para pumili ng kumpanyang gagawa o pagkukunan ng nasabing produkto. (Doris Franche)