'Ituwid Natin' lalarga ngayong gabi sa ANC

MANILA, Philippines - Lalarga na mamayang gabi ang programang “Ituwid Natin” sa ABS-CBN News Channel (ANC) na tatalakay sa mga tagumpay at pagkakamali ng EDSA 1 at EDSA 2.

Ang pilot episode ng “Ituwid Natin” mamayang 8 pm sa ANC ay pangungunahan ni Boy Abunda kung saan ay co-host niya sina Ateneo Law Dean Cesar Villanueva at popular tv host Toni Gonzaga. Ang programa ay tatakbo sa loob ng isang buwan.

Tatalakayin ng “Ituwid Natin” ang mga tagumpay at kabiguan ng EDSA 1 at EDSA 2 kung saan si Toni Gon­zaga ang magiging kinatawan ng kabataan habang si Villanueva naman ang magbibigay ng legal at historical tungkol sa EDSA 1 at EDSA 2.

Ang target audience ng nasabing programa ay 16-40 years old kabilang ditto ang mga hindi pa ipinanganak o hindi batid ang kasaysayan ng EDSA 1 at EDSA 2.

Show comments