GMA, First Gentleman magdi-dinner ngayon

MANILA, Philippines - Isang simpleng dinner lamang ang gagawin ni Pangulong Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo sa pagdiriwang ngayon ng Valentine’s day.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa Malacañang reporters sa inihandog nitong pre-valentine lunch na ginanap sa Everybody’s Café sa San Fernando, Pampanga, may dinner date lamang sila ni FG Arroyo sa Prince Albert Restaurant sa Hotel Intercontinental sa Makati City at inaasahan niya na sasamahan sila ng buong miyembro ng First Family sa dinner na ito.

Idinagdag pa ni Mrs. Arroyo, wala pa siyang naiisip na regalo sa Unang Ginoo sa Valentine’s Day.

Samantala, tinotoo ni Pangulong Arroyo ang kanyang pangako sa Malacanang Press Corps (MPC) na magiging madali na siyang i-cover at magi­ging accessible na siya sa media.

Dalawang beses nang sumasakay sa ‘press bus’ ng Malacañang reporters si Pangulong Arroyo sa kanyang mga events sa linggong ito para sa kanyang pagbisita sa mga proyekto ng Luzon Urban Beltway. (Rudy Andal)

Show comments