Private Army sa Taguig kinatatakutan

MANILA, Philippines - Pinangangambahan ng ilang residente ng Taguig City na muling kumilos ang ipinalalagay nilang private army ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan para sa nalalapit na halalan.

Kabilang umano ang naturang opisyal sa sinasabing untouchables at nagmamantini ng private army.

Ginunita nila na noong mga nakaraang halalan, ginamit ng naturang opis­yal ang private army para magsilbing security ng anak niyang kumandidatong kongresista sa kanilang lunsod.

Pinuna nila na parang nasa war zone sila sa dami ng private army ng anak ng naturang opisyal.

May ilan ding nagsasabi na ang private army ay nasangkot sa pananakot sa political leaders sa Maharlika Village na may pinakamalaking Muslim community sa Metro Manila. (Butch Quejada)

Show comments