Mangga ng Pinas, isasali sa Guinness

MANILA, Philippines - Posibleng mapasali sa Guinness Book of World Records ang prutas na mangga ng Pilipinas na may timbang na 3.5-kilogram bilang pinakamalaki sa buong mundo.

Ayon sa  Department  of Agriculture Region 10, nilagpasan ng nasabing prutas ang ‘mangga’ ng Canada na may timbang na  2.4-kilogram na kasalukuyang nasa Guinness.

Ang 3.5  kilo mangga ay pag-aari ng mag-asawang Sergio at Maria Socorro Bodiongan ng Iligan City.

Isinumite na sa Guinness Book of World Records nitong nakalipas na September 2009 ang naturang mangga. (Angie dela Cruz)

Show comments