Labi ng 3 peacekeepers darating na

MANILA, Philippines - Inaasahang darating na sa Lunes o Martes ang bangkay ng tatlong AFP peacekeepers na nasawi sa lindol sa Haiti noong Enero 12.

Ayon kay AFP- Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr., bibigyan ng ‘hero’s welcome’ sina Navy Petty Officer 3 Pearly Panangui, Army Sgt. Eustacio Bermudez at Air Force Sgt. Janice Arocena sa Villamor Air Base sa himpilan ng Philippine Air Force sa Pasay City. Matapos ito ay dadalhin naman ang mga labis sa St. Ignatius Church sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Naantala ang pagpapauwi sa bangkay ng naturang mga peacekeepers dahil isinailalim pa ang mga ito sa forensic examination at dumaan sa mahigpit na dokumentas­yon. (Joy Cantos)

Show comments