Malolos, Bulacan, Philippines - Tiniyak ni Vice-Governor Wilhelmino “Willie” Alvarado at apat na senior members ng kongreso na tanging si Lakas-Kampi CMD presidential bet Gilbert “Gibo” Teodoro ang angkop na susunod na lider ng bansa.
Ayon kay Alvarado, dapat na isang tulad ni Teodoro ang mailuklok sa Malacañang dahil sa kakayahan, talino at mahusay na pamumuno nito. Hindi rin aniya dapat pagbasehan ang mataas na survey upang iboto ang isang kandidato.
Bukod kay Alvarado, sumuporta din kay Teodoro sina Rep. Pedero Pancho (2nd dist.), Rep. Lorna Silverio (3rd dist.), Rep. Reylina Nicolas (4th dist.) at Rep. Arthur Robes (Lone District, San Jose Del Monte), kung saan ang mga ito ang sumalubong kay Teodoro ng bumisita sa Bulacan State University kamakailan.
Ipinagmalaki din ni Alva rado ang malinis na record nito sa ilang taon nitong pamumuno sa Department of National Defense at National Disaster Coordinating Council. (Rudy Andal)