Mobile passporting sa anib. ng Caloocan

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbibigay ng makabuluhang serbisyo ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga residente matapos na muling magkaroon ng mobile passporting na bahagi pa rin ng pagdiri­wang ng 48th Foundation Anniversary ng nasabing lungsod.

Dinagsa ng mga resi­denteng kukuha ng kani­lang mga pasaporte ang ginanap na mobile pass­porting sa Caloocan City Hall North na matatag­puan sa Zapote Road, Camarin II, Caloocan City noong Sabado (January 23).

Laking pasalamat ng mga nakakuha ng passport kay Echiverri dahil hindi na kailangang magtu­ngo ng mga ito sa tangga­pan ng Department of Foreign Affair (DFA) sa Pasay City para lamang maiayos ang kanilang pasaporte.

Bukod dito, malaki rin ang nabawas sa gastusin ng mga kumuha ng passport dahil inilapit na ni Echiverri ang kanilang ku­kuhanan ng pasaporte na isa sa pangunahing kaila­ngan para makapunta at makapagtrabaho sa ibang bansa.

Show comments