MANILA, Philippines - Pagtutuunan ng pansin ni Nacionalista Party senatorial candidate Ramon “Monmon” Mitra ang pagpapalawak at pagpapalakas ng agri-food export at pagtataas ng kita ng mga magsasaka.
Sinabi ni Mitra na kapag nahalal siyang senador, sisiguraduhin nya na ang mga probisyon ng Agriculture and Fisheries Modernization Act o Republic Act 8435 ay maipapatupad para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi ni Mitra na kailangan ng gobyerno na maglagay ng sapat na pondo para sa rehabilitasyon ng mga probinsiyang sinalanta ng mga bagyo lalo na sa sektor ng agrikultura.
Si Mitra, anak ng yumaong Ramon “Monching” Mitra Jr., na naging senador at House Speaker, ay may 21 taong karanasan sa military, pribadong sector at mga korporasyon.