MANILA, Philippines - Patuloy ang pagratsada ni Senator Loren Legarda sa vice presidential surveys sa harap ng tinagurian ng Issues and Advocacy Center na pagbalewala ng madla sa sandamakmak na television at radio commercials ng katunggali niyang si Senator Mar Roxas.
Sa pinakahuling nationwide survey ng The Center: Pulso ng Pilipino noong January 5-12, muling hinatak ni Loren si Roxas sa isang statistical tie sa ipinoste nilang rating na 28% at 32%, ayon sa pagkakasunod-sunod ng banggit.
Sinabi ng The Center na, bagaman tambak ang mga tv at radio advertising commercial ni Roxas, mas natatandaan naman ng mga tao si Legarda dahil sa kanyang kampanya para matugunan ang pagbabago ng panahon o climate change at pangangalaga sa kalikasan. Ang survey ay nilahukan ng 1,200 respondents at may margin of error na plus-minus 2.8 percent.
“Kapag nababanggit ang bagyong Ondoy, Pepeng at Santi, mas natatandaan ang pangalan ni Legarda sa talakayan ng climate change,” sabi pa ng The Center.