Dengue uso na naman

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Ca­loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang lahat ng residente ng lung­sod na panatilihin ang ka­linisan sa kanilang lugar upang ma­iwasan ang pag­kalat ng sakit na dengue ngayong nala­lapit na ang panahon ng tag-init.

Ang paalalang ito ni Echi­verri ay matapos na sabihin ng Department of Health (DOH) na mas ma­rami ang maaaring dapuan na sakit na dengue pag­sapit ng panahon ng tag-init na inaasahang darating sa susunod na buwan.

Ayon sa alkalde, mas makakaiwas sa sakit na dengue ang mga residente kung patuloy na panana­tilihin ng mga ito ang ka­linisan sa kanilang mga lugar nang sa gayon ay hindi pamamahayan ng lamok ang bawat sulok ng kanilang mga tahanan.

Inaasahan din ng al­kal­de na makikipagtulu­ngan ang mga opisyal ng ba­rangay sa kampanyang ito laban sa dengue. (Lordeth Bonilla)

Show comments