MANILA, Philippines - May siyam na Pinoy na ang pinalaya kahapon ng Saudi authorities matapos na mabigyan ng Royal pardon ng hari ng Saudi Arabia.
Sa ipinadalang report ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang 9 na Pinoy na hindi muna inihayag ang mga pangalan dahil ipinagbibigay-alam pa sa kanilang pamilya sa Pilipinas, ang unang batch na nabigyan ng pardon sa ilalim ng Royal decree na inisyu noong Disyembre 11, 2009 dahil na rin sa pagbabalik ni Saudi Crown Prince Sultan bin Abdulaziz mula sa pagpapagamot sa ibang bansa.
Ang 9 na Pinoy ay kasalukuyang dumadaan sa mga alituntunin ng Saudi govenrment para sa ganap nilang pag-uwi sa Pilipinas. (Ellen Fernando)