MANILA, Philippines - Libo-libong mga miyembro ng A Tambay (Ang Tao Muna at Bayan) Partylist sa Ilocos Norte ang nagbigay ng suporta kay dating Metro Manila Development Authority Chairman at ngayon ay vice presidentiable Bayani Fernando dahil sa kanyang adbokasiya ng pagbabago sa pamahalaan sa pamamagitan ng disiplina at political will.
Nasa 6,000 na mga Ilokano ang kamakailan ay nanumpa sa A Tambay Partylist na pinangunahan ni partylist secretary-general at dating congressman Omar Fajardo sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa kasagsagan ng seremonya, nagdeklara ang mga bagong miyembro ng A Tambay Partylist ng suporta kay Fernando sa pagsipat nito sa pagka-bise presidente.
Ang partido na may 200,000 aktibong mga miyembro sa buong kapuluan ay naniniwala sa klase ng liderato ni Fernando na sumisimbolo sa disiplina at political will. (Butch Quejada)