Pinoy arestado sa pagpatay sa Pinay sa Vienna

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang inaresto ng Vienna Police na umano’y res­ponsable sa brutal na pag­patay sa Filipina house­keeper sa loob ng bahay ng Lebanese am­bassador sa Austria noong Martes.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, umamin na ang naturang Pinoy na pansaman­talang hindi pinangalanan na siya ang pumatay sa biktimang si Romalyn Basalo, 30. Si Ba­salo ay patay na ng ma­tagpuan ng isa pang Pinay stay-out cook dakong alas-10 ng umaga noong Disyembre 29 at tadtad ng saksak sa loob ng bahay ng kanyang amo na si Lebanese Ambassador to Vienna Ishaya El Khoury.

Nadiskubre na sinakal muna ng suspek ng kawad ng kur­yente ang biktima bago tulu­yang tinadtad ng saksak. Masu­sing iniimbestigahan ng Vienna Police ang posibilidad na pag­seselos ng suspek sa biktima kaya ginawa ang kri­men.

Ang pag-amin ng suspek ay ginawa nito sa unang pag­dinig sa kaso kung saan itinuro nito sa pulisya kung saan iti­nago ang patalim na ginamit sa pagpatay sa nasabing OFW.

Ayon kay DFA Spokesperson Ed Malaya, tutulak ngayong Huwebes mula Dubai patu­ngong Vienna ang asawa ng bik­­tima na lubhang nabigla sa sinapit ng misis nito. (Ellen Fernando)

Show comments