Hatol ng Comelec kina GMA at Erap papalapit

MANILA, Philippines - Inaasahang dedesis­yunan na ng Commission on Elections sa mga su­sunod na araw ang disqualification cases laban kina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at da­ting Pangulong Joseph “Erap” Estrada na kapwa kandidato sa halalang lokal at pambansa sa Mayo 2010.

Itinakda na ng Co­melec Second Division bukas, Disyembre 28, ang taning ng pagsu­sumite ng memoranda ng mga partidong sangkot kaugnay sa petisyon na idiskuwalipika sina Arroyo at Estrada na kuma­kandidatong kongresista sa Pampanga at sa mu­ling pagkapangulo ng bansa, ayon sa pagka­kasunod.

Sa oras na maisumite ang naturang memoranda ay kaagad itong pag-aaralan ng Comelec upang makapagpalabas na ng desisyon. (Mer Layson)

Show comments