Mga barbero, cosmetologists, manikurista pakukuhanin na rin ng lisensiya

MANILA, Philippines - Katulad ng mga driver ng jeep at iba pang pro­pesyon na kinakailangang may lisensiya bago maka­pag-trabaho, nais ni Senator Miriam Defensor-San­tiago na i-regulate ang mga barber shops at beauty parlors at pakunin din ng lisensiya ang mga cosmetologists, barbero, manikurista, electrologists, at mga aestheticians.

Sa Senate Bill 3557, na may titulong “An Act Regulating Barbering and Cosmetology”, sinabi ni San­tiago na mahalagang ma­pangalagaan ang kalusu­gan at kaligtasan ng mga mamamayan na nagtutu­ngo sa mga barber shop at mga beauty parlor.

Nais ni Santiago na magkaroon ng isang board na magre-regulate sa mga barber shops at mga beauty parlor sa bansa.

May kahalintulad na rin aniyang board sa ilang states sa Amerika katulad ng California, Minnesota, New Hampshire, Virginia at Montana kung saan kinakailangang may lisen­siya ang mga barbero, manikurista at iba pag nagtatrabaho sa parlor.

Ang nasabing board ang humahawak ng mga reklamo ng mga custo­mers katulad ng mga nag­papabahay sa kaniyang trabaho, hindi maayos na kondisyon ng shop at iba pang problema.

Sinabi ni Santiago na napakaraming reklamo ang napapaulat na may kaug­ nayan sa pagpapa­ganda dahil hindi naman lisen­siyado ang mga taong nasa barber shop at beauty parlors. (Malou Escudero)

Show comments