MANILA, Philippines - Hiniling ng grupo ng mga negosyante kay Bureau of Customs Commissioner Napoleon Morales na sibakin sa puwesto si Capt. Ramon Policarpio, hepe ng Customs Police sa Enforcement & Security Service sa Subic Bay Freeport Zone.
Ayon sa ilang negos yante, hindi na dapat manatili sa kanyang puwesto si Policarpio matapos itong ireklamo ng isang babaeng broker noong Oktubre 9, 2008 ng kasong acts of lasciviousness at grave misconduct dahil sa umano’y panghihipo nito ng puwet habang nakatayo sa main entrance ng Customs Building sa No. 307 Canal Road, Subic Bay Freeport Zone.
Dahil dito, nagreklamo ang naturang negosyante kay Intelligence & Investigation Office acting chief Col. Eric Palabrica laban kay Policarpio.
Ikinatuwiran ni Policarpio sa biktima na napagkamalan niya itong kaibigan. Nadiskubre na hindi ito ang unang insidente ng umano’y pambabastos na kinasangkutan ni Policarpio. (Butch Quejada)