Detachment sa city hall bubuwagin

MANILA, Philippines - Upang hindi na mu­ling makaladkad pa sa pulitika, ipinabubu­wag na ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa ang lahat ng mga police detachments sa ilalim ng city at municipal halls sa buong bansa.

Kasabay nito, binig­yan ni Verzosa ng ta­ning ang mga regional directors ng hanggang unang linggo ng Enero ng susunod na taon upang tumalima sa ka­utusan.

Sa direktiba, ipinag-utos ng heneral na ibalik sa kanilang mother units ang mga pulis na itina­laga sa ilalim ng city at municipal halls.

Sinabi ng PNP Chief na nilalayon nito na ma­tiyak na hindi maga­gamit sa pulitika ang mga pulis partikular sa eleksyon sa susunod na taon. (Joy Cantos)

Show comments