MANILA, Philippines - Pinapurihan ni vice presidentiable Bayani “BF” Fernando si Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes na buong tapang na tinanggap ang kaso laban kay Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. at iba pang akusado sa pamamaslang sa 57 katao sa naturang lalawigan noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Fernando na dapat gawing ehemplo ng mga naninilbihan sa pamahalaan ang katapangan ni Judge Solis-Reyes na hindi alintana ang panganib upang gampanan ang sinumpaang tungkulin.
“Napakarami nating batas ngunit kung hindi naman ipapatupad nang may political will at ka tapangan ay mababalewala din ang mga ito,” sabi pa niya.
“Kailangan pa natin ng mga marami pang bayaning katulad ni Judge Solis-Reyes,” dagdag pa ni Fernando. (Butch Quejada)