Gordon-BF umani ng suporta sa internet bloggers

MANILA, Philippines - Bumubuhos na sa tandem nina Dick Gordon at Bayani Fernando na tina­guriang “The Transformers” ang suporta ng mga internet bloggers dahil sa kanilang track record sa public service.

Ito ang obserbasyon at ginawang analisis ng abugadong si Jose Sison matapos na ding bumul­wak ang suporta sa Gordon-Fernando combination sa mga internet blog­gers.

“At the start and until now I am still for Noynoy and Mar... but there is another Gordon-Fernando team I can choose eventually if the Noy-Mar team does not live up to my expectations,” ani Sison.

Sinabi ni Sison na kung ang kampanya nina Sen. Noynoy Aquino at Sen. Mar Roxas ay nakabase sa “good vs. evil” na laban, ang pagpasok ni Gordon at Fer­ nando ay sasalok sa buhos ng suporta na uma­alis sa una dahil umano sa “hindi scientific” na pag­papatakbo ng kanilang kampanya.

“Tama si Mr. Sison na pinagliwanag ng pagpasok ng tambalang Richard Gordon-Bayani Fernando ang political horizon. Mas naging kapanapanabik at mahalagang lahukan ang halalang pampanguluhan sa Mayo 2010 dahil sa pag­ pasok ng dalawang ito,” sabi ng blogger na si Chantel.

Ayon naman sa blog­ger na si Basi01 na nasa ibayong dagat, kukum­binsihin niya ang kanyang pamilya rito sa Pilipinas na iboto sina Gordon at Fernando.

“Kapwa sila may kredi­bi­lidad at may napatuna­yang rekord,” obserbasyon naman ni Robinson2. (Butch Quejada)

Show comments