MANILA, Philippines - Inutos ni Labor Secretary Marianito Roque na dapat na ibigay ng mga employer ang 13th month pay hanggang Disyembre 24 alinsunod na rin sa batas.
Ayon kay Roque, ang 13th month pay ay batay sa Presidential Decree No. 851 na ipinalabas noong Disyembre 16, 1976 kung saan inoobliga ang mga employer sa bansa na magbayad nito.
Aniya, maaari namang isumbong ng mga manggagawa sa DOLE ang kanilang mga employer na hindi susunod sa batas.
Nilinaw din ni Roque na ang 13th-month pay ay iba sa Christmas bonus na ibinibigay depende sa nais ng employer.
Bagama’t mandatory ang 13th month pay, “management prerogative” naman ang Christmas bonus kung kaya’t hindi na saklaw ito ng DOLE. (Doris Franche)