Bayani sisipa na sa survey

MANILA, Philippines - Mabilis nang sisipa sa survey ang Tambay party­list vice-presidential bet at dating Metro Manila Deve­lopment Authority Chairman Bayani Fernando dahil humahataw na ito sa mga nagdaang survey sa pagkapangulo kahit hindi pa ito nagdedeklara ng kan­yang tatakbuhing po­sisyon.

Ayon kay Ang Tao Muna at Bayan President Ed Cordevilla, malaki ang paniniwala ng kanilang grupo na uungos na sa survey si Fernando lalo ngayong nagdeklara na ito na tatakbo bilang bise-presidente sa darating na 2010 election.

Anila, isang tulad ni Fernando ang kinaka­ilangan ng mga estud­yante, empleyado, OFWs at iba pang sektor ng lipu­nan na magpapatakbo sa bansa. Una ng nagpa­ha­yag ng suporta ang Tam­bay partylist kung saan kumakatawan ito sa mil­yun-milyong Filipinong wa­lang trabaho sa loob at labas ng bansa.

Batay sa rekord, ma­higit 8 milyong Pinoy ang walang trabaho ngayon habang 6 milyon naman ang underemployed. Sa pag-aaral, lumalabas na mahigit sa 40 milyong Pinoy ang namimilipit na pagkasyahin ang isang dolyar o P49.00 sa isang araw para mabuhay.

Bunsod nito, mithiin ni Fernando na mabigyan ng trabaho ang nasabing bilang ng mga Pinoy na nag­hihirap kaya sinupor­tahan din ito ng Tambay partylist. (Butch Quejada)

Show comments