MANILA, Philippines - Handang sumunod ang Comelec sa kautusan ng Korte Suprema na palawi gin ang voter’s registration para sa 2010 polls hanggang sa Enero 9, 2010.
Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema ngunit duda naman itong maihahabol pa ang mga pangalan ng mga botanteng ngayon lang magpaparehistro sa listahan ng mga makakaboto sa Mayo 10,2010.
Ikinatuwiran ni Melo na tapos na ng Comelec ang mga voters’ list kaya malabo ng maihabol ang pangalan ng mga botanteng papayagang makapagparehistro hanggang Enero 9.
Una ng naghain ng Urgent Petition for Certiorari and Mandamus ang Kabataan Party list para palawigin ang pagpaparehistro batay na rin sa Voters Registration Act of 1996 na nagsasaad na ang pagpaparehistro ay dapat isinasagawa araw-araw at ipinagbabawal lamang may 120 araw bago ang regular election at 90 araw bago ang special election. Labag din umano sa Konstitusyon ang Comelec Resolution 8585 dahil nililimitahan nito ang panahon ng publliko sa pagpaparehistro.
Sa ilalim ng batas, kung Mayo 10, 2009 ang election, hanggang Enero 10, 2010 pa ang huling araw ng pagpaparehistro kaya umabuso anila ang Comelec sa kapangyarihan nito. (Ludy Bermudo/Mer Layson)