MANILA, Philippines - Sampung libong pulis ang ipakakalat ngayong araw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang magbigay seguridad kaugnay ng pag-uumpisa ng tradisyunal na Simbang Gabi sa mga simbahang Katoliko sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief P/Director Roberto Rosales, ang ipakakalat na 10,000 pulis ay bilang bahagi ng pagpapalakas ng ‘police visibility‘ lalo na sa mga pamosong simbahan at sa mga crime prone areas malapit sa pook dasa lan.
Ang hakbang, ayon sa opisyal ay upang mapigilan ang posibleng pagsasamantala ng mga masasamang elemento sa mga deboto ng simbahan.
Kabilang naman sa mga simbahan sa Metro Manila na masusing babantayan ay ang Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran, Quiapo Church, St. Jude at St. Michael Church sa San Miguel malapit sa palasyo ng Malacañang, Manila Cathedral sa Intramuros, Sto. Niño Church sa Tondo, Sto. Domingo Church sa Quezon City at iba pa. (Joy Cantos)