'Disiplina ang solusyon' - BF

MANILA, Philippines - Kung susumahin, sim­ple lang ang kasagutan sa problema ng peace and order sa Mindanao: Batas at disiplina.

Ito ang tinuran ni da-ting Metro Manila Deve-lopment Authority Chairman at ngayon ay vice pre­sidentiable Bayani Fer­nan­do sa isang pana­yam.

Sinabi ni Fernando na napakayaman sana ng Mindanao sa natural resources pero dahil sa ka­guluhan na hinahasik ng ilang mga grupo doon    ay laganap ngayon ang kahirapan doon.

“Ang militar ay impor­tan­te ang papel na ga­gampanan sa pag-se­secure sa mga lalawigan sa Mindanao, upang pa­iralin ang batas nang hin­di naman isinasailalim      sa Martial Law, ang pre­sensiya lamang ng militar ay sapat na para maka­daloy nang normal ang development sa mga     areas dito,” sabi pa niya. (Butch Quejada) 

Show comments