76 lider estudyante kinilala ni Recom

MANILA, Philippines - Pinapurihan kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang 76 na lider estudyante dahil sa kanilang boluntar­yong pamamahagi ng re­galo sa mga may kapan­sanan at inabandonang kabataan sa lungsod.

Ayon kay Mayor Re­com, bagaman nakalinya na ang kanilang mga aktibidad bilang bahagi ng paggunita sa Linggo ng Kabataan, mismong ang mga mag-aaral ang nag­pas­yang isama sa ka­nilang isang linggong iskedyul ang pagbibigay ng regalo sa mga naturang indibidwal.

Sa pangunguna ng counterpart ni Echiverri na si boy mayor Teddy Toledo ng Sampaguita High School, kanilang niregalu­han ang mga may kapan­sanang kabilang sa Ca­loocan City Federation of Persons with Disabilities sa Tala. Sunod dito, kanila namang pinamaskuhan ang mga ini-rescue na streetchildren na kasa­lukuyang nanunuluyan sa Tahanang Mapagpala Social Adjustment Center sa Bagumbong.

Bagama’t nasa murang edad at kaunti lamang ang panggastos, sinabi ni Echiverri na hindi ito alin­tana ng mga mag-aaral para makapaghatid-saya sa kapwa at maka-konekta sa komunidad.

Show comments