Amanah Muslim group sumuporta kay Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Iginiit ng isang grupo ng mga Muslim na tanging si Bangon Pilipinas presi­dential bet Bro. Eddie Villa­nueva ang tanging my kaka­yahan para mare­solba ang suliranin sa naga­ganap na kaguluhan sa Mindanao.

Malaki ang paniniwala ni Dr. Zafrulla Alonto, isa sa mga tumatakbong senador sa ilalim ng BP, at mga kasamahan nitong Muslim leaders na kasapi ng Amanah Coalition na dapat suportahan ng mga Filipino si Villanueva dahil sa mahusay nitong kaka­yanan sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa lalo na sa Mindanao.

Ang Amanah Coalition ang pinakamaimpluwen­siyang grupo ng mga Mus­lim at miyembro ng Lu­madnons sa Mindanao, Maguindanao, Sulu at Pa­lawan. Kabilang din si Alonto sa pinakamalaking clan sa Mindanao at ko­nek­tado sa Moro Islamic Liberation Front na ina­asahang susuporta din sa Bangon Pilipinas. (Grace dela Cruz)

Show comments