Programa sa kababaihan pasisiglahin sa Quezon City - Joy

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Ladies Foun­dation President at Liberal Party Vice Mayoral candi­date Joy Belmonte na mas palalakasin nito ang mga programa para sa mga kababaihan ng Quezon City.

Ayon kay Belmonte, mas paiigtingin ang pro­grama para sa mga kaba­baihan para lalong magka­roon ng magandang kali­dad ng buhay ang mga kababaihan sa lungsod.

Paglalaanan ni Bel­monte ang mga livelihood programs para sa mga kababaihan dito lalo na ang mga may-bahay na walang trabaho at umaasa sa sweldo ng kanilang asawa. Aniya, ang natu­rang programa ay magbi­bigay din ng dagdag kaala­man sa mga kababaihan para makatulong sa pag­ha­hanap-buhay. Ilan sa mga livelihood programs ni Belmonte ay ang paggawa ng sabon, pananahi, at sari-sari store.

“Matagal na po tayong nagseserbisyo para sa mga kababaihan kayat kung palarin tayo sa elek­siyon, mas higit na pro­gramang pangkabuhayan ang ating ilalaan sa kanila,” ani Belmonte.

Sa kabila ng pagkaka­roon ng mariwasang pa­mu­muhay, mas nais pa rin ni Belmonte na magling­kod sa publiko lalo na sa mga mahihirap na mga residente ng Quezon City. (Angie dela Cruz)

Show comments