9 pang bihag pinalaya ng Perez Group

MANILA, Philippines - Siyam pang sibilyan na hinostage ng notoryus na grupo sa Agusan del Sur ang pinalaya kaha­ pon sa pagpapatuloy ng ne­gosasyon sa mga sus­pek.

Ayon kay Major Mi­chelle Anayron, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID), pinaka­walan ang mga bihag na sina Lilia Caube, Belita Dolorito, Elvisa Alaba, Finpiana Avenido, Jose-lita Fernandez, Merly San­­chez, Zenaida Maglasag, Mary Jane Goden, at Felix Lacare.

Itinurn-over ang mga bihag sa tumatayong ne­gosyador na si Josefina Bajade, kinatawan ng Department of Social Welfare and Development.

Tiwalan naman si Sr. Supt. Nestor Fajura, Ope­rations Chief ng CARAGA Region Police Office, na matatapos ang hostage crisis sa lalong madaling panahon dahil bukas sa negosasyon ang mga kidnaper.

Una nang pina­kawa­lan nitong Huwebes ng grupo na pina­mumu-nuan ni Ondo Pe­rez ang 17 elementary pu­pils at matatandang bihag ha­bang nakatakas na­man ang dalawang guro.

“Forty-eight pa ang na­iwan dun sa area, but according to the negotiators there, in good condition naman ang mga ito,” ani Fajura.

Aminado naman ang opisyal na mahirap pag­bigyan ang demands ng mga kidnappers kabilang ang pagdisarma sa kala­ban ng mga itong gang na pinamumunuan naman ni Jun Tubay at pag-atras sa kanilang mga kasong kriminal tulad ng murder saka robbery.

Ang mga kidnaper ay humihingi rin ng sigarilyo, battery ng flashlight at nais rin ng mga itong mag­padala ang Crisis Management Team na pinamumunuan ni Agu­san del Sur Gov. Ma. Va­lentina Perez ng mga me­diamen dahilan nais ng mga itong magpa-inter­byu lalo na sa tele­bisyon.

Nabatid naman kay AFP–Public Affairs Office Chief Lt. Col. Romeo Braw­ner Jr. na si Perez ay da-ting miyembro ng Cafgu Armed Forces Geogra-phical Unit o CAFGU.

“Hinahabol sila ng police for the murder char­ ges but when they were almost cornered, they took the civilians, ginawa ni­ lang hostage,“ sabi ni Brawner. 

Samantala, inatasan na ng Malacañang ang local crisis management committee sa Agusan del Sur na siguruhin ang ka­lig­tasan ng mga hostage victims.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, na­ kahanda na ang pulis at military na lumusob sa pinagkukutaan ni Perez matapos nitong dukutin ang ilang estudyante, guro at iba pang sibilyan kamakalawa.

Show comments