MANILA, Philippines - Kilala na ng Riyadh authorities ang Pinay na iniulat na pinagputul-putol ang katawan ng mag-asawang Pinoy na employer nito sa Saudi Arabia.
Sa report na nakara-ting sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, ang Pi-nay domestic helper na tsinap-chop ang katawan ay kinilalang si Sunshine Bagusto Madayag, 21, tubong Cotabato City na iniulat na nawawala noon pang 2007.
Nasa kostudya na ng Saudi Police ang mag-asawang Pinoy at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.
Sa salaysay ng Filipino couple sa Saudi Police, inamin umano nila na napatay nila ang kanilang kasambahay ng hatawin nila ng baseball bat sa ulo sanhi upang mawalan ng malay at mapatay.
Plinano nilang itapon ang bangkay sa disyerto subalit hindi nila naituloy kaya pinagputul-putol na lamang ang katawan ng biktima at inilagay sa plastic bags saka ibinaon sa ilalim ng konkretong sahig ng kanilang kuwarto. (Ellen Fernando)