Oras ng Simbang Gabi babaguhin

MANILA, Philippines - Pabor si Cotabato Auxiliary Bishop Collin Baga­ foro sa plano ni Sta. Tere­sita, Datu Piang, Maguin­danao Parish Priest Fr. Eduardo Vasquez na ba­guhin ang oras ng simbang gabi bunsod na rin ng ten­siyon at pangamba ng mga residente matapos ang Maguindanao Massacre at deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay Bagaforo, hindi naman importante ang pag-iiba ng oras dahil mas mahalaga ang novena na isinasagawa hang­gang Disyembre 24 lalo pa’t ma­rami ang humihingi ng misa.

Aniya, ang mga lugar na­man na magugulo ay walang simbahan dahil mayorya ng mga residente sa Maguindanao ay mga Muslim. (Doris Franche)

Show comments