MANILA, Philippines - Umungos ng apat na porsiyento si dating Philippine National Police Chief at Manila mayoralty candidate Avelino “Sonny” Razon sa isinagawang survey kung saan 36% ang iniangat sa huling linggo ng Oktubre.
Lumalabas na 26% ang nakuha nito noong Agosto, 32% noong Setyembre at 36% noong huling Oktubre, patunay na maganda ang pagtanggap ng mga Manileno kay Razon at tanggap din ng mga ito ang gagawing pagbabago ni Razon sa lungsod.
Ayon sa grupo ng mga politico na nagsagawa ng survey, mas nakikilala na ng mga Manileno si Razon habang bu mababa naman ang rating ni Manila Mayor Alfredo Lim na nakakuha ng 40% noong Setyembre at 43% noong Agosto.
Ang rating ni Razon ay nagsimula ng 4% hanggang maabot nito ang nasabing puntos bunsod na rin ng patuloy na pagpapalaganap ng kanyang plataporma.