Korte sa Maguindanao hindi paralisado! - SC

MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng tagapagsalita ng Korte Suprema ang naging pahayag ng Malakanyang na paralisado ang ‘judicial system’ sa Maguindanao.

Sinabi ni Atty. Jose Midas Marquez na hindi totoo na walang kumikilos na hukom sa Maguin­da­nao dahil bukas at nana­natili umano sa pagganap sa kanilang tungkulin ang mga hukom dahil may iti­na­laga silang hukom na hahawak sa kaso ng Ma­guin­dano massacre doon.

Una nang sinabi ni Acting Justice Secretary Agnes Devanadera at ng Mala­ kanyang na isa sa basehan sa pagdedeklara ng martial law sa Maguin­danao ang kawalan ng mga hukom at hindi pag­galaw ng judicial system doon kaya hindi sila maka­kilos dahil walang pagha­hainan ng mga mo­syon at search warrants dahil sa takot umano sa mga Ampatuan.

Ipinaliwanag ni Mar­quez na patuloy pa rin sa pagtanggap ng mosyon at pag-iisyu ng court orders ang mga hukom, matapos ang brutal na masaker.

Sinabi pa ni Marquez na bagama’t doble ang pag-iingat ng hukom upang tiyakin ang kanilang segu­ridad ay hindi naman sila huminto na gampanan ang kanilang mga tungkulin. (Ludy Bermudo)

Show comments