Gibo pinuri ng US paper

MANILA, Philippines - Tinukoy ng Wall Street Journal na bukod tangi si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teo­doro Jr. sa mga tuma­takbong presidente ng Pilipinas para sa 2010 elections dahil sa background nito sa law and order.

Nakakuha ng atensyon mula sa opinion editor ng Wall Street Journal on line na si Brett Decker ang na­tatanging solid background sa law and order ni Teo­doro dahil sa pagsislbi nitong defense secretary at chairman ng national disaster coordinating council.

Nakaagaw ng aten­syon sa international media group ang naganap na Maguindanao massacre kung saan ay nakita ni Decker na tanging si Teo­doro lamang sa mga front-runners ng 2010 elections sa Pilipinas ang nara­rapat na manalo dahil sa background nito. (Rudy Andal)

Show comments