89 stranded OFWs sasagipin ng OWWA

MANILA, Philippines - Nahandang saklolohan ng overseas Filipino Workers Administration ang may 89 manggagawang Pinoy na biktima ng pagma­maltrato ng kanilang employer sa Saudi Arabia.

Tiniyak ni OWWA Administrator Carmelita Dim­zon na tutulungan nila sa pamamagitan ng pagbi­bigay ng plane ticket ang mga nagigipit na OFWs ma­karaang tumigil sa trabaho kamakailan dahil sa mga reklamong pagka­antala at illegal na pagba­bawas ng kanilang su­weldo at sa hindi pagtupad ng kanilang employer sa nilagdaang employment contract.

Ang hakbang ng OWWA ay bilang tugon sa panawagan ng mga mang­gagawang Pinoy na ku­malas sa kumpanyang Annasban sa Riyadh na sila ay makauwi sa Pili­pinas upang makapiling ang kani-kanilang pamilya ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Naantala ang pagpa­pauwi sa mga OFWs dahil na rin sa hindi pagpayag ng employer na magbigay ng exit papers dahil sa hinihinging penalty o multa sa hindi pagtupad na ta­pusin ang kontrata. (Ellen Fernando)

Show comments