Presidential adviser ni GMA nag-resign

MANILA, Philippines - Nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang presidential political adviser si Secretary Gabriel Claudio dahil sa payo ng kanyang mga doctor dahil na rin sa kanyang “congenital es­collosis”.

Tinanggap naman ni Pangulong Arroyo ang pag­bibitiw ni Sec. Claudio na magiging epektibo sa Disyembre 5 at ang kan­yang magiging kapalit pansamantala ay si LWUA chairman Prospero Pichay.

Wika naman ni Press Secretary Cerge Re­monde, ang pagbibitiw ni Claudio dahil sa health reason ay nagpapatunay la­mang na mali ang pana­naw ni dating NEDA chief Ralph Recto na gina­gawang hostage ni PGMA ang kanyang Cabinet members para mag­bitiw sa kanilang pu­westo dahil sa naging de­sisyon ng Korte Suprema. (Rudy Andal)

Show comments