Media advisory sa labi ng UNTV crew

MANILA, Philippines - Ihahatid ang bangkay ni Daniel Tiamzon, crew member ng UNTV na isa sa mga biktima ng Maguin­danao massacre mula sa General Santos City nga­yong alas-11 ng umaga, Dis. 4, 2009.

Ang UNTV Channel 37 ay nag-aanyaya sa mga ka­ibigan sa media at iba pang sympathizers sa pagsundo sa labi ni Tiamzon na sumama sa isang convoy na mag­si­si­mula sa Ninoy Aquino International Airport hanggang sa UNTV studio at hanggang Loyola Memorial chapel.

Ang convoy ay magbabaybay sa mga susunod na ruta: NAIA Terminal 3-MIA road-Roxas blvd.-EDSA-UNTV37-EDSA-Loyola Guadalupe.

Ang labi ni Tiamzon ay ihahatid sa huling hantu­ngan sa Linggo, Dis. 6, 2009 sa ganap na alas-3 ng hapon. Ang funeral march ay magsisimula bandang ala-una ng hapon mula Loyola Memorial chapel patungong Manila Memorial Park sa Paranaque City.

Ang UNTV ay may naka-antabay na sasakyan sa mga kaibigan sa media na gustong sumabay sa convoy. Para sa mga detalye, tumawag lamang kay Maris Federez 0906-5584779 o Ruth Navales 0927-6437643, o sa 442-6244 loc 125, 127 at 150.

Show comments