MANILA, Philippines - Patutunayan ngayong Martes ng “Himig Ariel Scholars” sa kanilang konsyerto para sa mga batang may kanser o ang tinatawag na “K Kids” na hindi hadlang sa paglinang sa talento ang kapansanan ng isang tao.
Sa pamamagitan ito ng pagtatampok nila sa isang babaeng bulag na magpapamalas ng kanyang galing sa pagkanta sa kanilang “Himig ng Kabataan” concert sa Skydome sa SM North Edsa, alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi mamaya.
Ayon kay Quezon City Majority Leader Ariel Inton, malaking bagay ang programa upang magsilbing inspirasyon sa mga may kapansanan upang magsikap at huwag mahiyang ipamalas ang kanilang mga talento.