MANILA, Philippines - Hindi pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa panawagan na magdala ng armas ang mga journalists na nagkokober sa mga lugar na tinuturing na “hotspots” ngayong eleksyon.
Ayon kay CHR Chairwoman Leila de Lima, sa halip na gawin ang ganitong sistema, magkaroon na lamang ng koordinasyon sa mga may-ari ng media networks para sa kanilang mga reporters at mga otoridad sa mga local areas, para masi guro ang kanilang kaligtasan.
Iginiit ni de Lima na ang mga mamamahayag ay maaring mag-request ng security mula sa proper authorities sa halip na magdala ng baril.
Ang nasabing posis yon ng CHR ay kaugnay na rin sa panukala na pagbitbit ng armas ng mga media practitioners sa kanilang coverage sa 2010 election, lalo na sa mga conflict areas, kasunod na rin ng nangyaring Maguindanao massacre. (Ricky Tulipat)